This is default featured slide 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured slide 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Showing posts with label (2003). Show all posts
Showing posts with label (2003). Show all posts

Monday, July 2, 2012

Syota ng Bayan



Syota ng Bayan is Tanya Marquez (Priscilla Almeda), a starlet who quits showbiz and goes back to her hometown. Upon knowing that a cement factory is causing a lot of havoc in the environment and in the lives of her town mates, she challenges the incumbent of Mayor Golano (Eddie Garcia) to have it closed. When denied, Tanya rallies the people in protest but is silenced. The mayor's opponents prevail upon Tanya's to run for mayor in the coming elections against Golano's son, Peter Lee (Tonton Gutierrez). During the campaign period Tanya and Peter Lee meet and fall in love.

In the Philippines, the head of a town or city is the Mayor. He or she is elected by the majority of the residents in the town or city during a local election which may coincide with the national election.

Upon winning, the town or city mayor assumes office for a term of 3 years and may run for re-election for another 2 consecutive terms.

Malagkit



The story of Celia and her family whose source of income is cooking and selling malagkit. Celia was forced to marry Igme whom her parents got indebted to although she is still emotionally attached to the another man she loves.

Maye Tongco
Sydney Segovia

Xerex



                                                                                              Title:

XEREX

Running Time: 

108  min

Lead Cast:

Aubrey Miles, Jake Roxas, Jon Hall, Kalani Ferreria, Armida Siguion-Reyna, Luis Gonzales

Director: 

Mel Chionglo

Producers:

Lily Monteverde

Screenwriter: 

Roy Iglesias

Music:

Jobin Ballesteros

Editor: 

Jess Navarro

Genre:

Bold/Light-Drama/Suspense

Cinematography: 

Augusto Cruz

Distributor:

Regal Films

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above



Tatlong uri ng mga babae ang naglahad ng kani-kaniyang sexperience na pawang nalathala sa artikulong Xerex: Sa "Kama", si Breezy (Aubrey Miles) ay isang kolehiyala na unti-unting namumulat sa sex dahil na rin sa kanyang modernong Lola (Armida Siguion-Reyna) na bukas sa usaping pagtatalik. Minsan sa isang costume party ay di sinasadyang nakaniig niya ang campus heartthrob na si Hunk (Jake Roxas). Aakalain ni Breezy na si Hunk ay seryoso sa kanya ngunit sadya pala itong mapaglaro kung kaya't gumawa siya ng paraan upang paglaruan at makaganti dito. Sa "O" naman ay malapit ng ikasal si Marge (Aubrey Miles) na naguguluhan kung siya ay tutuloy pa sa pagpapakasal sapagkat hindi niya naranasan sa lalaking kanyang pakakasalan ang rurok ng ligaya o orgasm.  Naranasan niya ito sa isang estranghero (Kalani Ferreira) na kanyang nakaniig ng limang magkakasunod na araw.  Ito ang lalong nagpalala ng kanyang pagkalito.  Isang probinsiyanang elevator girl naman si Jasmin (Aubrey Miles) sa "Butas" na pinagpapantasyahan ang isang matipunong lalaking (Jon Hall) araw-araw sumasakay ng elevator.    Nag-umigting lalo ang kanyang mga pantasya nang masilip niya sa "butas" ang pakikipagtalik ng kanyang bagong kapit-kuwarto. 

Isang makabago at kakaibang uri ng paglalahad ng kuwento ang Xerex.  Nagsubok ang pelikulang tumaliwas sa kumbensiyon ng tipikal na pelikulang bold o drama.  Naging matagumpay naman ang Xerex sa aspetong ito sapagkat pawang batikan ang manunulat (Roy Iglesias) nito't direktor (Mel Chionglo). Maayos ang daloy ng kuwento ng bawat kabanata na hindi lamang nakasentro sa "sexperience" kundi nabigyang lalim at laman din ng pelikula ang mas makabuluhang aspeto ng kuwento.  Wala nga lang malinaw na iisang konsepto ang trilohiya kung kaya't hindi gaanong malinaw ang nais sabihin nito sa kabuuan. May mga mangilan-ngilang sablay din sa editing. Hindi pa rin maikakailang hilaw at malamlam ang pag-arte ni Aubrey Miles. Hindi niya tuloy nadala ang pawang mga baguhan niyang kasama bagkus ay nahila pa niya ang mga ito pababa.  Naisalba naman siya ng ilang batikang artista na di matatawaran ang husay tulad nina Armida Siguion-Reyna at Ynez Veneracion.    

Ang mga kuwentong inilalahad at inilalathala sa mga artikulong tulad ng Xerex ay mga karanasang sekswal (tunay man o imahinasyon) na may layong gawing publiko ang mga kuwentong dapat lamang pinag-uusapan ng pribado. Taliwas sa kanilang pananaw na ito ang paraan upang mapalaya ang repressed na pagnanasa ng mga Pilipino, naniniwala naman ang CINEMA na hindi ang mass media o pelikula ang akmang behikulo sa ganitong layon.  Ang pagkamulat sa seks ay dapat ginagabayan din ng mga nakatatandang may tunay na malasakit upang hindi maging baluktot ang pananaw ng mga kabataan sa seks na kadalasang nagiging ugat ng maraming problema. Hindi naman lubusang naging iresponsable ang pelikula dito. Sinubok din ng Xerex na magbigay-aral at babala sa mga may malikot na kaisipan na pag-isipang mabuti ang mga gagawing hakbangin lalo na sa pagdidiskubre ng mga karanasang may patungkol sa seks.  Gayunpaman, hindi pa rin maitatatwa na naging malabis ang hubaran at bulgar na salitaan sa pelikula na maaaring magkaroon ng malakas na impluwensiya sa mga makakanood.



Sukdulan


Title:

SUKDULAN

Running Time: 

105 min

Lead Cast:

Katya Santos, Raymund Bagatsing, Carlo Maceda, Bobby Andrews, Daria Ramirez

Director: 

Mac C. Alejandre

Producer: 

Vic del Rosario

Screenwriters:

Edgar Ilao

Music:

Eazer Pastor

Editor: 



Genre:

Drama/Bold

Cinematography: 



Distributor:

Viva Films

Location: 



Technical Assessment: 

• • ½

Moral Assessment: 

+ ½

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above



Sa biglang tingin ay larawan si Elaine [Katya Santos] ng isang kontentong babae sa piling ng kanyang asawang si Orly [Raymund Bagatsing]. Ngunit sa likod ng animo'y maayos na pagsasama, may suliranin silang dinadala patungkol sa kakayanan ni Orly sa kama.  Ang suliraning ito'y naging dahilan ng pagiging bugnutin ni Orly na labis na ikinasama ng loob ni Elaine. Dahil dito ay sinubukan niyang idarang ang sarili sa apoy ng panunukso ni Miguel [Carlo Maceda], isang mapusok na binatang nangahas magpakilala sa kanya.  Ninais ni Elaine na magwala at mag-eksperimento at naranasan niya kay Miguel ang kakaibang ligayang hindi niya nararanasan sa piling ng asawa.  Halos mahulog na ang loob niya kay Miguel habang si Orly ay patuloy na nahihirapan sa pagsusuyo sa kanya upang maibalik ang dating sigla ng kanilang pagsasama.  Lingid sa kaalaman ni Elaine ay pinaglalaruan lamang siya ni Miguel at nais lamang siyang isama nito sa kanyang koleksiyon ng mga babaeng naikakama niya.  Mabubulag si Elaine sa pita ng laman hanggang sa umabot ang lahat sa sukdulan na magbabadya ng tiyak na kapahamakan.

Isang simple at halos karaniwang kuwento ng pagtataksil ang Sukdulan na binudburan ng iilang bagong elemento upang mabigyan ito ng panibagong bihis.  Mahuhusay ang pagkakaganap ng mga pangunahing tauhan na sina Raymund Bagatsing at Katya Santos.  Kapansin-pansin din ang husay ni Daria Ramirez bilang bulag na ina ni Orly. Ang baguhan namang si Carlo Maceda ay nangangapa pa sa pag-arte. Kontrolado ang daloy ng kuwento na nakasentro sa babaeng nagsubok magtaksil sa asawa. Ngunit kitang-kitang may mga ginaya sa pelikulang Unfaithful. Hindi rin kapani-paniwala ang maraming eksena ng pagtatalik na ginawa sa mga kakatwang sitwasyon.  Bagama't kathang-isip, malayong-malayo na mangyari ang mga eksenang ito sa tunay na buhay sapagkat kulang sa lohikal na pagsasalarawan ang Sukdulan.  Hindi rin nito nakuhang palalimin ang emosyon at karakter ng mga tauhan.

Talamak na tema sa pelikula sa kasalukuyang panahon ang pagtataksil ng asawang babae. Ang mga ito kaya'y kathang isip lamang o tunay na nangyayari sa kasalukuyan? Maari rin kayang ito ay hindi naman talaga bago ngunit maaaring senyales lamang ng nagbabagong pagtingin at pananaw sa imahe ng kababaihan? Kung ito ay paraan ng paglaban sa namamayaning "double standard" sa lipunan, maaari itong katanggap-tanggap. Ngunit hindi ito ang nagiging kaso tulad sa pelikulang Sukdulan.  Bagama't naging matapang ang bidang babae sa paglaban sa pang-aapi ng asawa, pinalutang pa rin ang kahinaan nito sa pagpapagamit at pagiging sunod-sunuran sa kalaguyong lalaki na pinaglaruan lamang siya.  Lumulutang sa pelikula ang pagsasabi nitong mas matinding parusa sa kapahamakan ang mangyayari kapag ang babae ang magtataksil at kahanga-hanga ang isang lalaking kayang magpaikot ng babae sa kanilang palad.  Oo nga't sinasabi ng pelikula na walang kahihinatnan ang pagtataksil kundi kapahamakan, taliwas pa rin ito sa dami at haba ng mga eksena ng pagtatalik na siyang tunay na bentahe ng pelikula. Walang mabuting mapapala sa pelikulang katulad nito.