Title:
ANG KAPITBAHAY
Running Time:
110 min
Lead Cast:
Albert Martinez, Belinda Bright, Joel Torre, Daria Ramirez, Sofia Valdez, Michelle Estevez
Director:
Humilde "Meek" Roxas
Producer:
Andrea Bautista
Screenwriters:
Humilde "Meek" Roxas
Music:
John Lesaca
Editor:
Danny Gloria
Genre:
Bold, Drama
Cinematography:
Richard Padernal
Distributor:
Imus Production
Location:
Imus, Cavite
Technical Assessment:
• • •
Moral Assessment:
+ + +
CINEMA Rating:
For mature viewers 18 and above
Isinumpa ang mga ninuno ni Edmund (Albert Martinez) na ang lahat ng panganay na lalaki sa kanilang angkan ay pagtataksilan ng kanilang mapapangasawa at hahatong sa malagim sa wakes ang kanilang relasyon, kung kaya't may takot sa look niyang magpakasal. Ngunit ng makilala niya ang bulag pamangkin ng kanyang katiwalang si Manang Tuding (Daria Ramirez) na si Paula (Belinda Bright), nagbago and kanyang pananaw at ito ay kanyang pinakasalan. Maayos ang kanilang pagsasama hanggang sa mapilitan silang manirahan sandali sa Quezon dahil sa isang mahalagang proyekto sa kumpanya ni Edmund. Lumisan sila sumandali sa bahay ni Paula yaman din lamang na wala namang nakatira ditto at mas magiging komportable si Paula sapagkat kabisado na niya and loob at labas ng kaniyang bahay. Wala na sanang aalalahanin si Edmund ngunit biglang may bagong kapitbahay na halos kasabay nilang dumating, si Nicanor, isang kompositor. Nalibang si Paula sa musika ni Nicanor. Nagkakilala sila at naging mabuting magkaibigan. Nag-uumigting and selos at takot kay Edmund lalo pa't natupad na naman ang sumpa sa isa niyang pinsan. Ang kapitbahay nga kaya ang magiging katupran ng sumpa?
Ang Kapitbahay ay hindi isang pagkaraniwang kwento ng tatsulok ng pag-ibig. Naiiba nag pelikula sapagkat hindi inaasahan ang mga pangyayari sa kuwento. Mahusay ang pagkakahabi ng istorya at hindi ito nalilihis sa sentrong suliranin. Buo ang pagkakalahad sa mga pangunahing tauhan ng buong husay na ginampanan nina Albert Martinez, Joel Torre, at Daria Ramirez. Pasado naman si Belinda Bright liban na lamang sa paminsa'y kakatwa niyang galaw na maari namang palagpasin. Nakatulong nag husto ang magandang paglalapat ng musika at malinis na sinematograpiya. May ilang sablay nga lamang sa editing ngunit nabawi naman ito sa kabuuan. Malaking bagay marahil na ang may akda ng kuwento ay siya ring director nito kung kaya't naiparating nang wasto ang mensaheng nais iparating ng pelikula.
Bibihira na ang isang pelikulang puno ng hubaran ay may magandang mensahe sa manonood. Malinaw na ipinahihiwatig ng Ang Kapitbahay ang namamayaning kultura ng paranoia sa ating lipunan. Ito ang sanhi ng pagkakawasak ng maraming relasyon. Ang masasamang pangitaing tumatakbo sa isip ng tao ay may malaking epekto sa kahihinatnan ng kanyang relasyon. Kung kaya't mahalaga ang pagtitiwala bilang sandigan at pundasyon ng pagmamahalan lalo na sa pagsasama ng magasawa. Walang kapangyarihan ang anumang sumpa sa taong may matibay na pananampalataya. Sa banding huli'y binigyan ng Diyos ang tao ng kakayahang magdesisyon at kumilos ayon sa dikta ng kanyang kunsensiya. Kailanma'y hindi nagbubunga ng mabuti ang paghihinala, lalo pa't ito ay nakaugat sa paniniwala sa isang kapangyarihang hini nagmumula sa ating Maylikha.
0 comments:
Post a Comment